iGMA:
Dingdong talks about his new shows, and reveals kung bakit simple lang ang kanyang birthday celebration this year. Text snd photo by Karen de Castro.
Not too long ago ay nagdiwang si Dingdong Dantes ng kanyang kaarawan. Paano kaya niya na-celebrate ito?
“Wala, ako hindi ako masyadong nag-celebrate, so simple lang,” he reveals. “I don’t know, maybe it comes with age. I’ve been celebrating it almost every year.”
Dagdag pa niya, “Kasi yung binibigay naman sa akin ng GMA every year is a celebration in itself, dahil sa Party Pilipinas parati nila akong wine-welcome doon, so very grateful ako.”
Isa sa mga maituturing na birthday gifts sa kanya ang kanyang upcoming project, ang pagiging host ng pinakabagong reality singing competition ng GMA, ang Protégé. Ano ang kanyang pakiramdam to be part of this new show?
“Hindi ako pwede mag-mentor kasi hindi ako singer. Pero I appreciate music, I love music, at siyempre nakakatuwa na mapapasama ako sa isang talent search na talagang maghahanap ng mga next na malalaking magagaling na singer natin,” he shares.
Hindi maipagkakaila na ang mga Pinoy ay mahilig sa mga talent search. Ano naman kaya ang magiging pinagkaiba nito mula sa ibang mga talent search at singing competitions na lumabas na sa ating bansa in the past?
“Well, I think the main difference is aside from the protégés competing against each other, it’s also more of the mentors that are also competing against each other because magkakampi sila e. So pagalingan talaga sila,” kuwento niya. “So this is really exciting because sila talaga ay mentors, and not just mentors, they are stars.”
Samantala, malapit na rin ang pagbabalik ni Dingdong sa mundo ng mga teleserye dahil magsisimula na rin ang shooting para sa bago niyang teleserye with Rhian Ramos.
“I will start shooting na next week. In fact, may meeting kami mamaya. We will talk about the story, and by October I will be back again on TV. So ang mangyayari, sabay-sabay yan,” paglalahad niya.
Mula sa pagpapahinga ay magiging very busy ang schedule ni Dong. Paano kaya pagsasabayin ang kanyang dalawang projects?
“Ito naman, Sundays lang naman, so kumbaga, you’ll see a different me. I will be who I am on Sundays. I will portray someone else on weekdays.”
Abangan ang pagsisimula ng Protégé, malapit na malapit na dito lamang sa GMA.
Get the latest updates on Dingdong. Just type DINGDONG (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) DINGDONG (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.
Information Courtesy of iGMA
http://www.igma.tv/story/7397/Dingdong-Dantes-balik-telebisyon
No comments:
Post a Comment