PEP:
Kasado na ang bagong teleseryeng pagtatambalang muli nina Rhian Ramos at Dingdong Dantes sa GMA-7; ito ay may working title na Sundo.
Ibang-iba raw ito kung ikukumpara sa Stairway To Heaven na nauna nilang pinagsamahan.
Kuwento ni Rhian, "Wala pang final title. Pero sa story, si Dingdong ang tagasundo ng mga dapat nang mamatay. Siya 'yong angel of death in other words."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa dressing room ng Manny Many Prizes sa GMA Network Studios noong Sabado, September 17.
Patuloy niya, "And uhm... isa akong mortal. Tapos magsisimula 'yong conflict kapag na-in love na si Dingdong sa mortal na dapat mamamatay na.
"Na-in love siya. Parang naawa siya. So, pinigil niya. Hindi niya ako hinayaang mamatay."
Nakapag-workshop na raw sila ni Dingdong. At naikuwento nga ni Rhian kung anu-anong exercises ang ipinagawa sa kanilang dalawa.
"May mga... kailangang mag-establish ng connection na hindi nagsasalita. 'Yong maiintindihan ng lahat kung ano 'yong iniisip namin, gano'n.
"Tapos, may mga exercises din na parang catching and throwing ng balls na we have to catch and throw them.
"Na parang it teaches us na... hindi dapat nilalabanan kasi mahirap i-catch 'yong ball kapag pasalubong ang pagsalo mo.
"Dapat susundan mo 'yong flow ng ball," sabi ni Rhian, na ang ibig niyang sabihin ay paatras ang kamay sa pagsalo ng bola.
Pahabol pa niya, "Maganda 'yong story. It's about supernatural na drama na love story."
May kissing scene kaya sila ni Dingdong sa serye nila?
"So far, wala pang sinasabi sa amin," sabi niya.
"Hindi ko alam. Wala pa akong script na gano'n ka-far.
"Pang first week pa lang 'yong script na natanggap ko."
VALENTINE MOVIE. Bukod sa teleserye nila ni Dingdong, may gagawin ding pelikula si Rhian kunsaan katambal naman niya si Aljur Abrenica.
"Pang-Valentine offering ito next year ng GMA Films," banggit ng 20-year-old actress.
"And na-appreciate ko naman na talagang ako at si Aljur ang bida sa Valentine offering ng GMA Films.
"Natuwa ako na dumating 'yong pagkakataong ganito.
CONTINUE READING FROM ORIGINAL [SOURCE]
Information Courtesy of PEP / Ruben Marasigan
If You Like This Kapuso Post, Click Here To Subscribe Via Email
No comments:
Post a Comment