Sunday, September 18, 2011

Kapuso hunks make their mark at the Cosmo Bachelor Bash

GMA NEWS / PEP:

Karamihan sa male celebrities na rumampa sa nakaraang Cosmo Bachelor Bash ay mga Kapuso stars at talents ng GMA Artist Center kaya todo ang suporta sa kanila ng naturang talent agency.


ALJUR ABRENICA. Isa rin sa most applauded na Kapuso hunk na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash ay si Aljur Abrenica.

Ang pagkakaalam daw niya ay dumating ang rumored girlfriend niyang si Kylie Padilla para panoorin siya, pero hindi raw niya alam kung saan ito nakapuwesto.


DANIEL MATSUNAGA. Samantala, umasa naman si Daniel Matsunaga na dadalo ang girlfriend niyang si Heart Evangelista para panoorin siya, pero hindi na raw ito nakahabol dahil may commitment daw ito sa ilang kamag-anak.

Itinatanggi ni Daniel ang intrigang nagkakalabuan sila ni Heart. Wala raw silang problema at going strong daw ang kanilang relasyon.


ENZO PINEDA. Si Enzo Pineda ang tanging Kapuso talent na napasama sa 10 centerfolds kaya pinaghandaan din niya nang husto ang kanyang pagrampa.

Nangako raw si Louise delos Reyes na panonoorin siya, pero biglang nagkaroon daw ng emergency sa kanilang bahay, kaya hindi na tumuloy ang young actress.



ROCCO NACINO. Halos iisa ang obserbasyon ng karamihan na si Rocco Nacino ang naghanda nang husto at talagang kinarir ang kanyang performance sa stage.

"Maraming salamat naman po at nagustuhan n'yo," sabi ni Rocco sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang pinuri namin ang kanyang performance.

MARK HERRAS. Pero ang pinakakabado nang husto ay si Mark Herras pagkat first time niyang rumampa sa ganung event.

Muntik na nga itong mag-backout dahil kulang daw siya sa preparasyon gawa ng sunud-sunod na taping nito sa Time of My Life.

Ilan pa sa mga Kapuso hunks at GMA Artist Center na rumampa sa Cosmo Bachelor Bash ay sina Mike Tan, Geoff Taylor, Gino dela Peña, at Jay Gonzaga.





CONTINUE READING FROM ORIGINAL [SOURCE] 
Information Courtesy of GMA News / PEP / Gorgy Rula

 If You Like This Kapuso Post, Click Here To Subscribe Via Email

No comments:

Post a Comment