Monday, August 15, 2011

Survivor Philippines Update: Richard Gutierrez may bagong susubukan

Kasabay ng kanyang paghahanda sa next season ng Survivor Philippines, susubukan ng Kapuso star na si Richard ang kanyang tibay sa Ironman Triathlon na gaganapin sa Camarines Sur.

Binisita ni showbiz reporter Aubrey Carampel ang pagsasanay ni Richard sa Alabang Country Club nitong Miyerkules. Dito ay nag-bike muna ang aktor at pagkatapos ay sumabak sa mahabang takbuhan.

Next year pa raw sana balak ni Richard na sumali sa Ironman pero hinikayat siya ng kanyang trainer na si Noy jopson - ang unang Ironman champ noong 2009 – na sumabak na this year na gaganapin this weekend sa CamSur.

“Nagsimula talaga yung training ko sa run nung Kapuso fun run and then na-develop yun into triathlon," kuwento ni Richard sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.

Idinagdag ng aktor na relay ng Ironman event ang kanyang sasalihan. Nais lang daw niyang ma-enjoy at ma-experience ang pagsali sa kakaibang uri ng kompetisyon sa palakasan.

Bukod dito, sinabi ni Richard na ang pagsali niya sa Ironman ay nagsisilbi na ring bahagi ng kanyang paghanda sa Season 4 ng matinding reality TV show na Survivor Philippines na ipalalabas sa GMA 7. - FRJimenez, GMA News


BACK TO KAPUSO ONLINE HOMEPAGE and THE KAPUSO ONLINE AWARDS - A Viewer's Choice Special: CLICK HERE TO VOTE


Information Courtesy of GMANews

http://www.gmanews.tv/story/229196/showbiz/richard-gutierrez-may-bagong-susubukan

 If You Like This Kapuso Post, Click Here To Subscribe Via Email

No comments:

Post a Comment