Saturday, August 27, 2011

Korean star Kim Hyun Joong, handang makipaglaro sa PHL Azkals

GMA NEWS:

Bukod sa pagkanta at pag-arte, ang paglalaro ng soccer o football ang pinagkakaabalahan daw ng Korean Pop star na si Kim Hyung Joong.

Nasa Pilipinas ngayon si Hyung Joong, bida sa GMA 7's Playful Kiss, para sa ilang proyekto kasama na ang charity works na tumutulong sa mga single mom.

Sa panayam ni Grace Lee para sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabi ng Korean heartthrob na nakahanda siyang makipaglaro sa Philippine Azkals kapag inimbitahan.

May kapalit din daw na sakripisyo ang kasikatan dahil bihirang-bihira na niyang makita ang kanyang pamilya. Ngayon taon nga, tinataya niyang limang ulit pa lang niyang nakikita ang kanyang pamilya.

Pero lagi naman daw may pabaon ang kanyang ina tuwing umaalis siya.

Ang kanyang pagtulong sa mga Pinoy single mom ay isang paraan daw ni Hyung Joong para ibalik ang pasasalamat sa kanyang mga tagahangang Pinoy. -- FRJ, GMA News



BACK TO KAPUSO ONLINE HOMEPAGE and THE KAPUSO ONLINE AWARDS - A Viewer's Choice Special: CLICK HERE TO VOTE


Information Courtesy of GMA News

http://www.gmanews.tv/story/230703/showbiz/korean-star-kim-hyun-joong-handang-makipaglaro-sa-phl-azkals

 If You Like This Kapuso Post, Click Here To Subscribe Via Email

No comments:

Post a Comment